Sa siyensa, ang gamot ay
makakapagbigay-lunas sa sakit, ngunit kapag ito ay inabuso sa paggamit ay
nakakasama at nagdudulot ng sakit sa pag-iisip at sa pisikal. Sa kasalukuyan, marami
ng mga tao ang nalululong sa masamang bisyo lalo na sa paggamit ng
ipinagbabawal na gamot o droga. Lahat tayo ay maaaring maging biktima at
malulong sa droga dahil wala itong pinipiling edad at kasarian. Subalit, lagi
nating tandaan na sa ating mga palad nakasalalay ang landas na ating tatahakin
sa ating buhay.
Saturday, 4 November 2017
Mga dahilan kung bakit mayroong gumagamit ng droga
Maraming iba pang salik ang nakadaragdag sa lumalagong
pag-aabuso sa droga. Kabilang sa mga ito ang matinding kabiguan, panlulumo, at
kawalan ng layunin sa buhay. Karagdagan pang mga dahilan ay ang problema sa
kabuhayan, kawalan ng trabaho, at hindi mabuting halimbawa ng mga magulang at
kaibigan. Ang ilan na nahihirapang makipag-ugnayan sa kapwa ay gumagamit ng
droga upang matulungan silang harapin ang mga situwasyong panlipunan at
naniniwalang ito lamang ang tanging solusyon.
Mga epekto ng droga:
Kasama sa mga kapinsalaang
naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol sa pagkakaroon ng problema sa
katawan, sa kalusugan, sa mga relasyon sa kaibigan at mag-anak. Maidaragdag din
dito ang pinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa paggamit ng bawal
na gamot, pati na ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong
din ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng tao at
lipunan. Ang paggamit ng droga ay nakapananakit sa maraming tao lalo na kung
wala ka sa tamang pag - iisip. Ang paggamit ng droga ay nagtutulak sa isang tao
na gumawa ng mga di kanais - nais na gawain at nagiging bayolente.
Kontra Droga sa Kasalukuyan
Alam naman nating mga Pilipino na
ang droga ay hindi mabuti para sa ating kalusugan ngunit may mga tao paring
gumagamit nito. Ito ay mahigpit na ipinagbabawal ng ating pamahalaan at sa
naturang batas. Laganap na ang isyu ukol sa iligal na droga sa ating lipunan
kaya’t buong puwersa nang umaarangkada sa giyera ang administrasyong
Duterte kontra sa ilegal na droga. Sa mabilis na paggulong ng sistemang ito ay
walang duda na ramdam na ng mga mamamayan ang masama at mabuting dulot ng
pagbabagong hatid nito sa ating bansa.
Ano-ano ang mga masamang naidudulot ng Kontra Droga sa ating lipunan?
Kontrobersyal
ang naging pagtugon ng pamahalaan sa problema ng masamang droga. Oplan Tokhang
ang naging bansag sa pamamaraan ng kapulisan upang hanapin at tugisin ang mga
sinasabing nagtutulak at gumagamit ng droga. Pero ang malaking kaibahan ay mga inosente ang nabibiktima ng mga
kriminal at durugista, dito rin natatalakay ang pag-alma ng mga mamamayan sa
karapatang pantao. Ang kalunos-lunos na dami ng patay sa laban sa droga ay
malaking balakid sa paglago ng ekonomiya dahil nagdudulot ito ng masama at
hindi kaaya-ayang klimang pang-ekonomiya. At marami pang ibang negatibong
komento ang kumakalat laban sa paraang ito.
Ano-ano ang mga mabuting naidudulot ng Kontra Droga sa ating lipunan?
Ang giyera laban sa iligal na droga ay hindi giyera laban sa buhay ng
tao, kundi giyera para sa buhay ng bawat Pilipino. Ginagawa ng bagong pamahalaan ang lahat para sa ikabubuti at ika-uunlad
ng mga mamamayan at ng ating bansa upang makamit ang kalayaan at kapayapaan na
matagal na nating hinahangad. Ayon kay Duterte, "human rights must work to
uplift the human dignity. But human rights cannot be used as an excuse to
destroy the country—your country and my country." Tanggapin nalang natin
ang katotohanan na mayroon man itong kapalit ay positibo pa rin ang maidudulot
nito sa atin.
Mahirap mang paniwalaan na lumalala
na ang iligal na droga sa Pilipinas ngunit kailangan nating tanggapin ang
katotohanan. ito ang dahilan ng bagong administrasyon upang masigasig na
labanan at pugsuin ang iligal na droga sa Pilipinas. Sa kanyang talumpati
kamakailan, isiniwalat ni Pngulong Duterte ang pangalan ng 150 mga kawani ng
pamahalaan na dawit sa iligal na droga. May mga alegasyon din ng anumaliya sa
iligal na droga sa New Bilibid Prison.
Sa ngayon, ilang libo na ang mga
namamatay sa mga police operation at mga drug related na mga pangyayari magmula
nang maupo sa pwesto ang bagong president.
Syempre, may mga pagtutol na
nagsilabasan tulad ng mga mambabatas na humihiling na paimbistigahan ang mga
patayang nagaganap sa operasyon ng pulis kontra iligal na droga sa Pilipinas.
Natatakot ang ilan na kung hindi matitigil ang ganitong mga patayan, ito ay
lalo pang lalala pagdating ng panahon.
May mga sang-ayon din sa gyera
kontra droga. Isa na riyan ang New People’s Army na kumbinsido sa aksyon ng
pamahalaan na labanan ang droga. Ang mga opisyal ng gobyerno, mga pulis at mga
sundalo ay buong pusong sumusuporta sa gyera kontra iligal na droga sa
Pilipinas.
Subscribe to:
Posts (Atom)